Friday, November 6, 2009

magulo

sa jeep na aming sinakyan kanina nabuhay ang dugo ko upang maglathala ng mga saloobin ko sa buhay. masyado sigurong tumaas ang tensyon ko kanina dahil nagalit ung driver ng jeep at magsermon sa amin tungkol sa pribilehiyo ng mga estudyante sa pamasahe. ganito kasi ang nangyari, inabot namin ang bayad namin sa jeep at sinabing "estudyante lang", nang biglang nagngitngit sa galit si manong at sinabing "sigurado kayong estudyante?! ilabas nyo ang mga ID nyo! (blah blah)" sobrang nag-init ang dugo ko nung mga panahong un, buti nalang at nung magsasalita na ako upang sagutin si manong ay pinigilan ako ni Loida. hindi kasi ako sanay ng inaaway ako na alam kong nasa tama ako. dun lagi tayo sa tama. dahil ang pananaw ko sa buhay, ang manatili: dun lang sa TAMA.

masyadong naging mahaba nang linggong ito. marami akong naging alaala, masaya man at malungkot, na kabilang na sa kasaysayan ng buhay ko.

isang malungkot na balita ang sinabi sa akin ni mommy habang kami ay kumakain. ito ay ang unti-unting pagbitiw sa pagasa ng aming pamilya na manatiling malakas ang aming lola. mahina na raw ang tsansa na magamot pa ang kanyang komplikasyon at ang tamang panahon na lamang ang makapagbibigay ng lunas.

ang gulo-gulo ng isipan ko ngayon, halata naman sa post ko. marami ang bumabagabag dito, iba't ibang usapin na may kaugnayan sa akin, sa pamilya, sa pag-ibig, sa bansa. sana umayos na ang signal ng globe para malutas ko na ung kaya kong lutasin.


--kahit papano, successful na ako sa pagpopost sa blog ko. congrats sa akin. ü

Saturday, October 31, 2009

delingkwente

bakit kaya ako isang delingkwenteng blogger? hindi ko na ma-maintain-maintain 'to. tuwing nape-pressure lang ako tsaka to nagkakalaman. gusto ko rin namang maging makabuluhan ang blog ko. ung may napupulot na aral o kaya naman ay makabuluhan man lang ang mga nakalagay dito. sana makamtan ko un. ü

Saturday, October 3, 2009

bagong buhay part infinity

nakaraming beses na ako ng pagbuhay sa blog kong ito. hindi ko naman minimithi na maging matagumpay na ako sa panahong ito ngunit sadyang sinisipag lang ako ngayon. hehe. salamat kay catherine dahil na-inggit ako sa blog nya. at salamat din kay bianca gonzalez dahil na-inspire nya akong magsulat. ayeeee. hahaha.

sa mga pagkakataong ramdam ko ang pagsusulat, dito ko nalang sa blogger ibubuhos ang lahat. pero as usual, magiging magulo ang mga composition ko dahil hindi naman ako magaling magsulat. sa bawat post ko, halo halo na ang laman. obvious naman e. hehehe.

habang naririnig ko ang mga balita na sinasalanta ng bagyong pepeng ang ilang bahagi ng bansa, lalo akong nagkakaroon ng lakas upang ipagpatuloy ang pagsusulat. matapos ang paggising na ginawa ni ondoy, heto naman si pepeng para lalong ipaalala na kailangan nating magbago. wala nang magagawa ang mga tao sa mga kaganapan, ang tanging kilos na lamang na makakatulong ay ang magbago tayo sa mga pagkakamali natin. patuloy tayong magbago tungo sa pagbabago.

---asahan na kung madadagdagan pa ulit ang entries ko rito ay magiging tungkol ito sa bansa natin. hehe. naguguluhan ako sa post na to. hahaha.